Interview on DWIZ: On Arming Firefighters vs Enemies of the State | Aug. 3, 2019

Interview on DWIZ: On Arming Firefighters vs Enemies of the State | Aug. 3, 2019


Q: Initial observation sa new Senate?
“Interesting kasi hindi natin masabi ano ang mix. Kasi we have yet to hear from some of them. Narinig na natin si Sen Tolentino and Sen Pia. At nagbago, nag-reorganize tayo ng mga committee so napakaraming bills ita-tackle, ang huling count namin parang 800 na bills. Ganoon karami. Maraming bills dapat i-tackle… … Pero hindi lahat yan yan mata-tackle sa floor, depende sa chairpersons ng mga committees kung ano ipa-prioritize nila. Tutal magkakaroon ng mini-LEDAC. I understand magme-meet ang HOR at Senate pati ang PLLO. Pinag-submit kami ng tig-3 pinaka-priority sa amin.”

Q: Monday ang mini-LEDAC?”
“Tama yan. Magkikita kita sila.” Q: Kaya ni FMD i-lead ang minority?
“Napakasipag, napaka-competent. Aral ng aral nagtataka kami paano niya natata-tackle ang 8, 10 bills sa isang araw na halos lahat ini-interpellate niya. At hindi basta interpellation na walang saysay. Masustansya ang kanyang interpellation. Kami mismo sa majority namamangha at na-enhance ang mga panukalang batas. So malaking tulong… … At ginawa namin nag co-author ako sa kanya nag-pass kami ng resolution nabasa ito I think Tuesday or Wednesday kung saan via teleconferencing papayagan namin si Sen De Lima mag-participate sa committee hearings. Pwede siya mag-interpellate, pwede siya mag-amend. Kaso sa rules namin hindi siya physically present so hindi siya makakaboto… … Pero at least makaka-contribute siya para pagyamanin ang panukalang batas, kung ia-adopt ang aming resolution. Pero bago ako nag-co-author kay Sen Frank take up ko kay SP. At sabi niya by all means, sinuswelduhan siya ng gobyerno, marapat lamang pasalihin natin siya sa pinaguusapan sa Senado.” Q: Di pa tackled sa plenary ito?
“I just hope kasi na-research yan sa Committee on Rules. Siyempre ire-report out ng Committee on Rules kung ano napagkasunduan sa committee bago ito i-tackle sa plenaryo at kung ito mapagbotohan at papayagan, magsisimula na. Ise-set up ang facilities para maka-participate siya sa pinaguusapan sa mga tinatalakay na resolution o maski anong activity except to vote.” Q: Sino pa majority na nag-co-author?
“Dalawa lang kami ni FMD nag-author noon nang binasa. Pero maski isa lang ma-tackle sa committee at ito ma-report out at suportahan ng majority, matutuloy yan. Ako nanghihinayang din ako kasi noong panahon ni Sen Trillanes nung siya nakakulong, nang check ko sa Committee on Accounts, meron kaming na-procure na equipment para riyan. Sabi ko nariyan idle, pwede natin ituloy… … At kung noon napagkasunduan namin panahon yan ni SP JPE kung saan pinayagan namin mag-teleconference si Sen Trillanes. May gamit, nabili na, e sabi ko ako nag-suggest na gamitin natin. Of course kung papayagan siya ng PNP. Wala akong nakitang problema wala naman sigurong security considerations na dapat tingnan ng PNP kasi hindi naman siya aalis ng kanyang selda. Magse-set up lang ng facilities doon.” Q: Pero ang resolution dapat aprubahan ng PNP?
“Oo. Sila ang physical custodian. Sa korte wala naman kaming nakikitang problema. Wala namang mava-violate sa detention niya. Madi-discuss yan kung ma-tackle sa floor kung anong dapat gawin para kung ito ay papayagan ng Senado, ano ang pwedeng requirements na kailangan i-comply namin.” Q: Sabi Sen Gordon tuloy ang hearing sa Thursday on PhilHealth, pero di haharap si Sec Duque?
“Totoo namang may outbreak ng dengue. So that much pwede naman pagbigyan. Although sabi ko nang nagusap-usap tayo sa Kapihan pwede umandar yan maski hindi siya physically present sa pagiikot-ikot. Be that as it may, bayaan natin wala na muna siya at pwede naman matuloy ang pagdinig marami naman issues na pwede pagusapan doon maski hindi kaharap si Sec Duque.” Q: Pamilya niya mag-attend?
“Hindi ko alam sino ang na-invite. Basta ako, si dating Sec Garin na ngayon congresswoman, pinagbigay-alam ko sa BRC kung pwede padaluhin dahil may prior coordination naman dahil may inter-parliamentary courtesy. Sabi ko naipagpaalam ko kay Cong Garin at willing siya mag-testify doon sa aspeto kung saan sinuspindi niya ang operation ng DPI, pati cease-and-desist order. Kasi acting director general siya ng FDA noon noong kasalukuyang SOH siya… … At least yang portion na yan mahalaga matalakay yan dahil dudugtong yan sa overstocking of supply. Ang initial naming nakita roon nasa P39M worth ng Japanese encephalitis ang nag-expire noong Mayo. Kaya hindi na magagamit. P39M so dapat pagaralan din paano nangyari yan at paano nagkaroon ng oversupply. May oversupply ng amoxicillin, ito ang produktong sinu-supply ng DPI. So hindi naman kalakihan ang halaga, wala pang P1M pero pera pa rin yan… … Nilista ng COA kung ano ang overstocked at expired kaya maganda mapagusapan doon bakit nangyayari ang overstocking. Ang sinusunod ngayon dapat ang procurement 2 months lang. Ang 2 months na gamit yan lang ipo-procure mo. Ang encephalitis, halimbawa, kasi Sanofi rin nag-supply ng Dengvaxia. So Sanofi rin ang supplier ng Japanese encephalitis. May na-receive ng napakalaking quantity ng gamot na yan noong November. Pero may nakita kaming certificate na parang mag-produce nitong Enero nitong taon. Dapat tingnan natin.” Q: Kung di makarating si Sec Duque sino ang mahalaga dapat na magdalo sa hearing?
“Of course ang nasa board ng DPI, ang nasa board ng EMDC, yung tungkol sa lease contract. Yan ang nilabas ko sa aking privilege speech. At ang mga representatives ng hospitals na kung saan, alam mo ang nangyari kasi nang nag-privilege speech ako may nagsusulat nagpapahatid na information na mga hospital na hindi sila nakasingil. Ang Chinese General Hospital halimbawa P219M ang singilin nila… … Ang sulat nila sa akin, ni Dr. James Dy, chairman noon, sabi niya dubious ang nakakasingil na sobra-sobra pa, kaming matagal na naniningil hindi nababyaran. Ngayon ang ibang hospital ganoon din ang experience. May sinisingil na napakatagal na, hindi sila nababayaran. Samantalang ang iba naka-record na sobra-sobra ang bayad sinabi ko nga hanggang sa 2508% ang overpayment naniningil ng P200,000 pagkatapos nakita namin sa dashboard ng central office ng PhilHealth ang lumabas na pera roon P5M plus.” Q: Hospital na di makasingil, handa mag-testify?
“Sumulat na sa akin at gusto ko makita ang record nila para makumpara sa record ng PhilHealth kung bakit hindi nababayaran.” Q: Overstocking sa hospitals like PH Heart Center, pababalik-balik ang tao kasi bibigyan good for 1 month; pero ang dami palang overstocked na gamot?
“Yun nga. Lalo ang maintenance na gamot hindi ba pwedeng huwag na pabalik-balikin, ibigay na lang ang halimbawa talaga namang indigent o walang pera talaga… … Parang bigyan mo na lang, kung ganoon din pala sila katagal mag-stock at nag-e-expire lang mas maganda ang maintenance medicine tagalan, yan ang mag-overstock sila tapos pamigay nila parang gamit para mas mahabang panahon.” Q: 1-2 months lang pero babalik, marami dapat silipin?
“Marami. Ito ang importante ang planning. May program director sila dapat napaplano lahat yan. Bakit napapabayaan? O kaya ganoon ang naging kalakaran, anong dahilan? Bakit nag-o-overstock pa rin at nag-expire mlyon-milyon ang halaga tapos hihingi ka ng P2,000 halaga pababalik-balikin ka pa. Ito dapat natin malaman. Parang hindi na alam ang plight ng pangkaraniwang mamamayan lalo ang nakapila sa gamot at ang layong pinanggagalingan… … May testimonial doon na natutulog kasi kesa pabalik-balik pamamasahe, naglalatag na lang sila kahit sa mga waiting shed. E di lalong magkakasakit yan.” Q: PHC and NKTI ganoon?
“Kung nagpapa-dialysis ka pipila ka daan-daan ang priority list. Kesa uuwi ka pa nga naman, matutulog ka na lang doon. Ang dialysis hindi mo mahihintay yan dahil kung naka-schedule ka… may mali na dapat i-correct.” Q: May kumikita rito sa overstocking?
“Yan ang dapat natin malaman. Bakit nag-o-overstock pagkatapos kulang na kulang ang pinamumudmod. Parang tinatapon mo lang ang pera, syempre itatapon na, hindi na pwede gamitin yan.” Q: Walang personalan dito?
“Oo. Mainam na rin kasi papasok tayo sa UHC. Di ko alam kung tapos na IRR diyan. Ang nag-participate sa pagbalangkas ng IRR, PhilHealth. Ang national health insurance program may mangangasiwa niyan para sa taong ito, mahigit P60B ang nakalagak para riyan. Ang buong UHC P257B for 2019 e tapos nakikita natin ang ganyang pag-aaksaya. Dapat kumibo rin tayo. Kasi kung di tayo kikibo akala nila lagi na lang happy.” Q: Executive nag-iimbestiga, wala pang request for docs?
“Wala sa ngayon. Walang nagko-communicate kung pwede ba. Kasi normally ganyan. Ang ibang department pag nagkaroon ng privilege speech o resolution, normally nagko-communicate ang ahensya sa senador kung talagang ang intention ng head ng agency ay tingnan ang merit ng nilabas na resolution o kung ano man sa investigation, naghihingi sila ng dokumento… … This time so far walang naghihingi ng document sa office namin na willing kami magbigay kasi di ko nababanggit sa privilege speech napakaingat ko rin kailangan may dokumento.” Q: Expect executive may patas na investigation?
“Baka may inaalam pa muna sila on their side. I’m just hoping hihingi sila ng documents. Kasi public documents naman yan di mo pwede ipagkait yan. Baka naman meron silang kopya ng dokumento. Di natin alam. Basta ang katotohanan, walang nagko-communicate sa office ko para humingi ng mga dokumentong binanggit ko sa aking privilege speech.” Q: Ano gusto mo ma-achieve sa privilege speech?
“Ma-correct lahat na pagkakamali. Dapat conscious especially ang heads ng agencies ng government sa propriety at ethical standards. Kasi batas yan, di mo pwede sabihin nag-divest na ako. Nag-divest ka nga kapatid mo naman ang naroon. Hindi ka maka-escape at the very least sa perception ng tao na may undue advantage. Kasi unang una ang ahensya sila nagpaplano anong gamot po-project natin? Seasonal ang iba… … Halimbawa alam nila tag-ulan ito ang pangkaraniwang sakit over the years na mas common. So ipaplano nila pag-procure ng gamot, ito pamamahagi nila sa mga probinsya, botika ng barangay at lahat. Kung ikaw kamaganak mo SOH, talagang di maaalis ang suspetsa na may advantage ka na.” Q: Mai-correct at mapanagot dapat?
“Pero ang overarching talagang dapat mangyari, yung ma-correct ang mali. Kung hindi tayo kikibo e lantaran na, tulad ng sa lease contract. Sasabihin walang conflict of interest kasi tatapusin na raw sa December 2019. E nakaupo ka na eh. Ewan ko. Basta sa akin lang, sabi ko nga, ako walang personalan although bwelta sa akin ni Atty Gonzalo napaka-personal… … Dalawang radio interviews yung galit nag galit sabi niya walang duktor sa tanga walang ospital sa tanga referring to me dahil wala raw conflict of interest. E magbasa siya ng RA 6713, pati ang Government Procurement Act napakaliwanag noon, kung magbi-bid ka kasama roon ang sworn statement na pinatotohanan mo wala kang kamaganak sa procuring entity. When you say procuring entity pag sinabing gamot ang procuring entity riyan, DOH… … At kung hindi ka nag-submit ng sworn statement na sinasabi mong wala akong kamaganak hanggang 3rd degree ng affinity or consanguinity, di ka pasasalihin sa bidding. Kung sasabihin mo naman ako may kamaganak disqualified ka naman. Ginawa ba nila yan? Tatanong ko rin yan. Dahil nag-supply sila ng gamot at nag-bid sila meron ba silang sworn statement na sinasabi nila kapatid namin ang SOH, ang head ng procuring entity? Maliwanag yan. Sec 47 ng RA 9184.” Q: Di nakita ang conflict of interest kay Duque nang sinalang siya sa CA?
“Hindi kasi mabilis, kasi dati siyang SOH. Hindi lumabas, dati na siya, parang balikbayan na siya. He just breezed through the confirmation process. Hindi lumabas ito. Kung lumabas ito nang kino-confirm siya, itatanong ko lahat yan. Kaya lang lumabas yan dahil may nag-inform sa amin dahil may issue na lumabas.” Q: Under Balutan’s watch dumami ang retired officers na STL; sabi Balutan wrong info ang ibinigay sa inyo ni Sandra Cam at Atong Ang? Meron daw kasing abogado na nakakuha ng franchise?
“Lalo siya ang na-misinform. Taon na yatang hindi ko nakausap si Atong Ang, taon na. Si Sandra nagpunta sa opisina noong isang linggo ero iba ang pinagusapan namin, di sa STL. Iba ang napagusapan. Nanghihingi siya ng advice dahil parang gusto niya umalis ng PCSO… … Yan lang naman napagusapan. Kaya siya ang misinformed, hindi ako. At siya naman sinabi niya tungkol sa retired military, sinabi niya hindi totoo pero inamin niya na incorporators yan. Di ba siya ang inconsistent? Sabi niya ano ang masama ang hard-earned pension nila? Hindi naman yan ang issue eh. Ang issue, may pension ka, nakaipon ka namuhunan ka para kumuha ng franchise, walang illegal doon. Maski sino pwede kumuha ng prangkisa… … Ang masama, hindi ka nagre-remit nang tama. At kulang na kulang ang nare-remit. Nakausap ko si Gov Maliksi dati siyang PCSO chairman, maski documentary stamps na P2.5B na dapat kargo ng STL operators maski yan ayaw bayaran eh. Sino sasagot noon? E di lalabas ang pera ng PCSO kung nabayaran na kasi doc stamps yan eh. P2.5B sabi niya, pag ayaw bayaran ng STL operators. So talagang inaabuso. E di ba dapat pag may violation na ganoon either suspended o terminated? … Kung natatandaan ninyo nagkaroon ng pagdinig noong 2017 yata, naroon si Rep L-Ray, nire-report niya harap-harapan ang operator ng STL sa Camarines Sur, kay Bong Pineda, e tapos hindi naman daw nagre-remit. Napakaraming violation. Ayaw naman daw i-suspend. Hanggang binilang ko kumpleto ang members ng board, ako na mismo nagsabi sa kanila bakit kailangan umalis pa kayo rito, pwede ba decision ngayon kung dapat suspindihin yan o terminate? … Kasi ilang beses na raw siyang dumulog kay Gen Balutan noon di siya iniintindi at siya pa inaaway. Di ba reklamo si Rep L-Ray noon tungkol sa operator ng STL na jinu-jueteng daw, lantad-lantaran nangungubra e hindi naman nire-remit. Ayaw pa rin i-suspend ni Gen Balutan. Anong ibig sabihin noon? Ang sabi naman niya nang na-interview siya, basta may violation na nakita, suspended kaagad o kaya terminated. Di naman niya ginawa. Ang magpapatunay ang pagdinig na nangyari noong 2017, na naroon siya mismo… … Pati si Rep Espino ganoon din ang reklamo. Di ba nagkaroon tuloy kami ng pagtatanong ako mismo nagtanong ako kaya ko nakuha ang figure na P200M per day ang gross collection, sa Luzon pa lang yan, NCR, CAR and Regions 1-5. Nag-operate na rin STL sa Visayas and Mindanao. You can just imagine kung magkano total noon. E magkano pumapasok sa PCSO? E sabi niya angat ng P26B ang collection, e sinama niya ata ang lotto. Yan ang malaki… … Pero sa STL lang, testify niya from something like P2B napaakyat to P4B. Pero kasi ginagamit nila Presumptive Monthly Receipt parang in-estimate lang nila yan, parang nag-presume lang sila na ito dapat nyo ibigay na di pa rin binibigay. Kasi ang P4M nay an di talagang cash remittance yan. Sa record, lalabas yan collectibles ang iba roon na binibilang nila na nasa libro ng PCSO. Of course accounting procedure tama yan kasi collectible yan. Ang problema, hindi pa nakakolekta. At ang medyo notorious di nagre-remit ang pag-aari ng retired generals.” Q: Bakit lakas loob STL franchise holders na hindi mag-remit? May protector sila under Balutan?
“Di naman si Balutan maski nauna sa kanya, noong panahon pa ni President Aquino, ganyan din kalakaran sa PCSO. E may narinig tayo although wala tayong pinanghahawakan may narinig tayong P5M each, may narinig tayo ganoon pero hindi natin masabi kasi wala tayong pinanghahawakan. Pero tongues are wagging na may ganyang kalaking halaga para magkaroon ng franchise… … o kaya payagan ang pag-operate ng semi-illegal na di naman nasusupindi at di nate-terminate. Bakit di nasususpindi kung hindi nagre-remit nang tama? Yan na lang tanungin natin.” Q: New chairman on games dapat mag-imbestiga rin?
“Palagay ko mag-iimbestiga siya. At napagusapan din namin yan, si Sen Lito Lapid, sabi niya magtulong-tulong lang tayo dahil nakapag-investigate na nang ako ang chair. Kaya tinalaga niya akong vice chairman. Marunong naman siya, di ba nakaraan, tumawag siya ng pagdinig, siya naman nag-preside.” Q: Nagkaroon ba kayo ng committee report noon?
“Di ko matandaan kung nagkaroon ng committee report kasi ang tumbok ng legislation, charter ng PCSO. Pero hanggang kinapos ng oras yan.” Q: Sen Gordon said militarized ang admin, binatikos siya ni PRRD, sobra bang reaction ni PRRD?
“Ganito. Si PRRD lang nakakaalam kung ano talaga ang intention niya kaya niya sinabi o binigkas ang pananalita na binigkas niya. Siya lang nakakaalam kung anong meaning noon. Dahil ngayon ang interpretation ni Sen Gordon walang masama, I take no offense, tapos hindi niya minamasama. Interpretation ni Sen Gordon yan. Ikaw at mga kasamahan natin sa Senate, may kanya-kanyang interpretation… … Ako may interpretation. So let’s leave it at that. Kung anong individual interpretations natin o personal interpretations sa sinabi ni PRRD versus interpretation ni Sen Gordon. Hayaan na lang natin yan. Hindi tayo para mag-interpret. Sa atin na lang yan. Kung ano ang intention, kung galit o seryoso ba siya sa sinabing na isang ano ka lang.” Q: Below the belt daw?
“Pwede ako magbigay ng opinion doon. Pag retired na, hindi na military yan, civilian na. Back to civilian na yan. At siguro kaya rin nasaktan si PRRD di ba sabi niya mababaw ang .. kasi probinsyano.” Q: Davao daw kaya hirap mag-appoint?
“Pero at the end of the day, sabi ko nga, ang bottom line dito, prerogative ng Pangulo yan. Ang check and balance darating yan halimbawa kung Cabinet secretary meron naman CA na yan ang limitation. Hindi absolute ang discretion ng Presidente na mag-appoint. Kasi pagdating sa mga ina-appoint niya na Cabinet secretary, subject to confirmation. So pag ni-reject yan, may na-reject kaming nominado o appointee niya, hindi naman niya minamasama… … Alam niya bilang abogado na hindi absolute ang power or authority niya. Pero kung ang prerogative niya, sa akin nauna nyo kaming dalawa ni SP tinanong, kung ano pananaw namin, sabi ko prerogative niya huwag nating question-in. Kasi kung pumalpak ang appointee niya, sa kanya rin ang responsbilidad. Bahala siya kung tanggalin o i-retain. Ang magfe-fail, ang government niya, ang administration. So huwag natin pangunahan na mali ang appointment… … Yan ang pananaw. Si SP nga, nang nag-compare notes kami sabi niya na-interview ka rin ng media? Halos pareho sabi niya. Kaya lang pagkaiba, sabi niya mag-presidente ka muna. Kako hindi ko sinabi yan. Si SP sinabi mo pa ba yan? Sabi niya sinabi ko mag-presidente ka muna. Sabi ko ako naman di umabot sa ganoon, sabi ko lang na prerogative ng Pangulo at bayaan natin.” Q: May basehan si PRRD na mag-react nang ganyan?
“Sabi ko nga kung ano man ang mood niya o ano ang nasa isip niya siya nakakaalam niyan unless he expounds some more, ito talagang, di ba sabi ni Sen Gordon, walang masama roon. He cares for my health, he cares for my waistline. Iwanan natin na ganoon kasi yan ang interpretation niya. Ikaw I’m sure may interpretation ka ang mga kasamahan mo sa media meron kayong kanya-kanyang interpretation. Kung lahat na interpretation natin pare-pareho baka tayo ang tama.” Q: Walang kaugnayan sa 2022?
“Ang fact check tumakbong president si Dick, di Vice. Si BF ang kanyang vice noon.”

Q: Tama lang kung sa gobyerno, huwag sensitive?
“Depende. Madaling sabihin ang hindi ako onion-skinned pero pagka ganyan ang hataw… tama na.” Q: Pabor kayo armasan ang firemen vs NPA?
“May batas tungkol sa firearms, pwede bigyan ng PTCFOR ang Chief PNP. So ang mga firemen kung mag-apply sila ng permit to carry individually hindi as a group, hindi pwedeng hepe ng BFP mag-apply for everybody, kasi mag-u-undergo sila ng psychiatric test, gun safety seminar, may written exam pa. So walang problema kung mag-apply sila ng PTC at bibigyan sila. Wala akong nakitang problema roon… … Kung ang civilian (pwedeng) armasan ng baril sa labas, bakit hindi uniformed personnel tulad ng BFP? Magkakaroon siguro ng question kung buong organization, wala kasi sila sa law enforcement, hindi tulad ng pulis. Ang pulis ine-MR-an sila, may memorandum receipt, may issued firearms. Kung magkakaroon ng issued firearms ang firemen, hindi ko sigurado kung yan ay sang-ayon sa umiiral na batas. Dapat mapag-aralan din natin.” Q: FMD suggestion to review Senate committees, 40 plus na kasi. May basehan ang i-review?
“Meron. At na-tackle namin yan nang nag-organizational meeting kami sa Committee on Rules. At pinaubaya namin sa chairman, sa majority leader, iniwan sa wise judgment niya kung ano pwede i-collapse o kaya i-bundle na mga committee para magbawas. Kasi 41 na, na-split pa ang 2 committee sa education. Tapos may resolution to create a Committee on OFW… … So masyadong marami na at ang iba naman hindi masyadong, ang point ni Sen FMD, ang nagtatawag ng committee hearing minsan wala kang mahagilap kasi may kanya-kanyang committee hearing, hindi makapag-quorum kaya palipat-lipat. Minsan natatawagan ako parang nasa CA kami pwede ma-arbor ang isa o aarborin ako para mag-quorum kasi ako ang member sa loob ng building. Ganoon ang nangyayari. Pagkatapos, umaalis naman kaagad dahil may attend kang ibang hearing… … So ganyan nangyayari, e 24 kami pagkatapos isipin mo kung sabay-sabay mag-committee hearing ang 41 e di walang quorum sa lahat at saka 24 lang ang committee hearing na puro chairman. So tama lang yan. Dapat pag-aralan ano ang committee na hindi masyadong active o hindi maka-sponsor ng bill o walang tina-tackle masyadong bills o wala masyadong resolution, baka pwede i-collapse o i-absorb ng ibang committee… … at palawakin na lang ang jurisdiction ng committee na sasaklaw ng jurisdiction ng committee na di masyadong active. Ako sang-ayon ako roon. Hindi kami ang HOR na napakarami nila. Sa kanila pati membership talagang pipila. Pero sa amin iba, kakaunti kami.” Q: Mas maraming committee mas malaki ang budget?
“Pare-pareho ang budget. 2 ang budget, office of the senator and committee. Pare-pareho ang budget ng mga senador. Mabuti na rin ganoon ang ginawa kasi noong araw, may oversight committee na ang laki ng budget, may umaabot ng P30M, may parang P10M, meron namang P5M, hindi pare-pareho. Mabuti na rin ang pinare-pareho na nang sa ganoon, after all pare-pareho kaming senador pare-pareho nagpa-participate sa committees, pare-parehong nagche-chair ng committee. Mas mainam isa na lang, standard na lang ang budget.” Q: Kahit 5 committees or 2, pareho lang?
“Pareho lang. Ang may dagdag lang pag member ka ng CA or Senate Electoral Tribunal, may additional staff, kukuha ka ng separate staff para roon. Ang dapat ayusin namin kasi ComSec namin palipat-lipat din. Minsan isang ComSec wala halos tao 2 ang committee na pinagsisilbihan niya. Samantalang ang BRC at Finance, Ways and Means, maraming mga staff yan. STSRO, tapos Legislative Budget Monitoring… … Tapos sa BRC may sarili, parang 23 ang staff doon. Kaya dapat tingnan din namin ang ibang committee lagyan ng staff na sufficient kasi mahirap yan lalo na sa bicam. Bibiyahe yan sa HOR para mapag-usapan. Scheduling lang hirap na ang ComSec. Yan dapat tingnan ng Senate leadership paano ma-augment ang personnel ng individual committee secretary.” Q: Quiboloy said presidency is a gift from God, naniniwala kayo rito?
“Naniniwala ako roon. Lahat naman sinasabi destiny yan. Destiny ang pagiging Presidente. Kung hindi ukol maski magtututuwad ka hindi mangyari. At kung talagang destined ka naman para riyan, e di ba para magaang. Minsan sa isang informal dinner sa Malacanang, the usual na dumadaing si PRRD, mahirap ang napasukan niya, di niya ginusto, talagang destiny ito… … Sabi ko sa kanya, Mr President, kung hindi mo talaga destiny yan, hindi ka nag-file ng COC at naging president ka. Talagang destiny. E totoong hindi siya nag-file. Kung di nag-file si Usec Martin Dino paano siya naging Presidente? At ang nai-file mali pa, sa Pasay. Kung hindi pa rin destiny dapat may nag-file sa kanya ng DQ. Hindi rin ginawa ng LP kasi sa isip nila maghahati ang boto ni PRRD at Grace Poe kasi si FPJ malakas sa Mindanao. So yan naman naman naging pananaw, so walang nagkwestyon… … Hayaan nyo lang dalawa silang maghati. Parang minaliit at the time hindi pa talaga. Ngayon, kaya malinaw yan. At saka history will tell us malaki ang impact ng destiny. At of course will ng God. Lahat ng nangyayari sa lupa, may pakialam ang Diyos.” Q: Sabi Quiboloy Sara ang chosen of God to follow footsteps of her father, too early ba yan?
“Di naman. Kasi qualified naman siya. Competent naman si Mayor Sara. Kung talagang destined siya maging Presidente kasunod ng tatay niya, wala tayong magagawa kasi destiny niya talaga yan. Sinabi rin niya maghihintay siya ng guidance, ang wisdom na manggagaling sa Diyos. Tama yan. Yan ang nararapat isipin.” Q: Makaka-discourage ito sa iba?
“Hindi naman. Lahat may karapatan. Minsan maski sa US sa primary lang 20 tumatakbo. Siyempre basta basic ang requirement para sa maging pangulo, lalo na kung halimbawa tulad ni Mayor Sara wala tayong masasabi sa qualificaton kasi lawyer siya tapos nagsilbi naman siya sa executive naging mayor at lahat. May political will. So wala tayong pwedeng sabihin na di siya pwede dahil incompetent o di qualified… … Hindi natin pwede ihusga nang ganoon, dahil lahat kung gusto maglingkod sino pwede maghusga? Ang maghuhusga lang naman diyan pagdating ng Mayo, ang electorate, yan ang maghuhusga.” Q: This early maramdaman na sino possible sa 2022?
“Oo. Parang hinihila yan. Kasi ganyan din nangyari noong nakaraang administration. Pagdating ng 2nd part ng 6-year term parang hinihila na papunta sa susunod na presidential election. Before we know it, paggising natin campaign period na naman.”

7 thoughts on “Interview on DWIZ: On Arming Firefighters vs Enemies of the State | Aug. 3, 2019

  1. My Favorite, idol Intelligent Sen. Ping Lacson. Independent, Credibility and Integrity. Leadership Quality. PING PILIPINAS 2022. The Next….

  2. saludo po ako Sen. LACSON ….hands on kayo sa senado…sana iyong ibang senador or senadora…..sayng ang position nila kung walang interest or qualification…supposed to kait wala sa committee ninyo puedi silang mag involve ..maganda ang youtube ninyo kait sa south Florida USA ako na follow ko ang kaganapan sa ating senado…more power sa inyo and your staff …very good interview ….salamat po filipino voters wake up …there are good bad and ugly kait sa senate.

  3. This situation is very common in every medical mission conducted at barangay level. Medicines issued are near expiration period.

  4. Sir ping….plis po takbo na kayo sa pagkapangulo sa sunod na eleksyon….wag na po natin patagalin ang nakakatakot na nangyayari sa ating bayan….personal ko lng po ito

  5. Sir bfp enforce fire code and other related laws like arson law hence theyre law enforcers…maybe selective but still they enforce laws…further under ra6975 they have the power to investigate fires including filing of appropriate arson case in court…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *